Post Job Free
Sign in

Delivery Helper

Company:
Dames International Corp.
Location:
Manila, Philippines
Posted:
April 25, 2024
Apply

Description:

Job Title: Delivery Helper

Pangkalahatang Tungkulin: Ka-akibat sa trabaho ng Delivery Driver upang makapaghatid ng mga produkto sa mga kliyente. Maayos na tinatanggap at binabalik ang mga dokumento ng delivery. Responsable sa mga tungkulin na naka atas maliban na lamang sa pagmamaneho tulad ng pagbaba at pagkakarga ng mga produkto at nakikipag ugnayan sa mga Promodiser, Sales Supervisor at Dispatching Department Head ng maayos, magalang sa mga Receiving Personnel ng mga kliyente ng kumpanya kung saan kayo naka assigned.

MGA DETALYE NG TUNGKULIN:

· Pinananatili ang kalidad ng serbisyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pamantayan na kailangan sundan.

· Sumusunod sa patakaran at alituntunin na itinalaga.

· Isuot ang Company ID tuwing papasok sa trabaho.

· Pumapasok sa trabaho na may wastong kasuotan.

· Pumapasok ng maaga at hindi na li late o palaging absent.

· Maging mapanuri at laging alerto upang magampanan ang mga tungkulin sa paghahatid ng maayos sa bawat lugar ng pagdideliveran.

· May kakayahang magbuhat ng mabibigat na produkto at ng mga kahon na ididiliver sa customer.

· Kinakailangang maging maingat at sinisigurong walang damages ang ihahatid na produkto.

· Sinisiguro na may propper handling sa mga produkto na ihahatid sa mga customer.

· Sumusunod sa mga instruction ayon sa rutang ibinigay ng Dispatching Head na kailangan ang mauna ay yun branches na madaming delivery upang maihatid ang produkto ng mas maaga sa inaasahang oras.

· Isinasalansan ng maayos ang mga kahon ng produkto ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ruta na ibinigay.

· Sinisigurong nakapagpapa pirma at nagpapa fill-up ng tamang time in and out sa delivery sheet para sa mga Promodiser na nagreceive ng produkto upang magkaroon ng unawaan na maayos at walang damages ang mga produktong deniliver.

· Mayos at may pakialam sa tamang pagbubuhat at pangangalaga sa produkto para walang damages.

· Pananagutan ang mga items na ma dadamages bunga ng kapabayaan at kawalang paki alam sa produkto ganon din ang anuman property na pagmamay ari ng kustomer ng kliyente kung meron ma damage.

· Siguraduhin na maipagbigay alam sa Dispatching Head ang mga problema sa panahon ng pagdediliver upang matugunan at magawaan ito ng agarang solusyon para matangap ang mga delivery.

· Kung may pagkakataon na ma ba back load ang deliver, kailangang tumawag agad sa Dispatching Head at maghintay habang binibigyan ng pagkakataon na ma contact nito ang Sales Supervisor na makipag-ugnayan sa Head ng tindahan upang huwag ma backload ang deliver. Maging matiyaga sa paghintay para sa karagdagang tagubilin kung anuman ang magiging pag papasiya nito.

· Pinag babawal ang pagmamaneho o pag aaral mag maneho ng kahit anong sasakyan ng kliyente.

Summary of role requirements:

Looking for candidates available to work:

Monday: Morning, Afternoon, Evening

Tuesday: Morning, Afternoon, Evening

Wednesday: Morning, Afternoon, Evening

Thursday: Morning, Afternoon, Evening

Friday: Morning, Afternoon, Evening

Saturday: Morning, Afternoon, Evening

No experience required for this role

Working rights required for this role

Expected start date for role: 05 May 2024

Expected salary: 560 per day

Full time

Apply